Add parallel Print Page Options

Wawasakin(A) ang mga altar sa burol ng Aven,
    na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel.
Tutubo ang mga tinik at dawag sa mga altar,
    at sasabihin nila sa kabundukan, “Itago ninyo kami,”
    at sa kaburulan, “Tabunan ninyo kami.”

Hinatulan ni Yahweh ang Israel

Sinabi(B) ni Yahweh, “Ang Israel ay patuloy sa pagkakasala;
    mula pa noong sila'y nasa Gibea.
    Dahil dito'y aabutan siya ng digmaan sa Gibea.
10 Sasalakayin[a] ko ang bayan,
    at magsasanib ang mga bansa laban sa inyo.
    Kayo'y pinarusahan ko dahil sa patung-patong na kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Hosea 10:10 Sasalakayin: Sa ibang manuskrito'y Sa aking kagustuhan na maparusahan .